|
||||||||
|
||
Mga Pangunahing Sangkap
200 grams ng patatas
200 grams ng talong
100 grams ng bell pepper
Seasoning
100 grams ng vegetable oil
5 grams ng asin
5 grams ng asukal
10 grams ng soya sauce
10 grams ng shallot, tinadtad
10 grams ng luya, tinadtad
20 grams ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Talupan ang talong at patatas tapos hiwain nang pahilis. Hugasan ang bell peppers at gayatin nang maliliit.
Mag-init ng 90 grams ng cooking oil sa kawali, iprito ang patatas at hanguin at itabi muna pagkaraang magkulay brown. Sunod na iprito ang talong, tapos hanguin at itabi rin muna pagkaprito.
Ibuhos sa kawali ang natitirang 10 grams ng vegetable oil tapos igisa ang shallot at luya. Idagdag ang talong, patatas at bell pepper at ituloy pa ang paghahalo. Ilagay ang asin, asukal, soya sauce at mixture of cornstarch and water at ituloy pa rin ang paghahalo sa loob ng ilang segundo. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |