|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
200 grams ng karne ng baka
600 grams ng pumpkin o kalabasa
1 scallion, hiniwa-hiwa sa habang
1 centimeter
Cooking oil
Tubig na panabaw
Seasoning Number One
1 kutsara ng cooking wine
1/2 kutsara ng soy sauce
1/2 kutsara ng cornstarch
Seasoning Number Two
1/2 kutsara ng asin
1/2 kutsara ng soy sauce
1/2 kutsara ng mixture of cornstarch and water
Paraan ng Pagluluto
Hiwa-hiwain ang karne ng baka tapos ibabad sa seasoning number 1 sa loob ng 10 minutes. Pagkaraang ibabad, iprito at itabi muna.
Hugasan, talupan at hiwa-hiwain nang makapal ang kalabasa. Ilagay sa kawali at igisa sa 2 kutsara ng cooking oil. Lagyan ng kalahating kutsara ng asin at kalahating kutsara ng soy sauce ayon sa seasoning number 2 at kalahating kutsara ng tubig bilang karagdagan.
Pakuluin, bawasan ang apoy at ilaga sa loob ng 10 minutes. Ilagay ang piniritong karne sa ibabaw ng kalabasa bago takpan tapos ituloy pa ang paglalaga sa loob ng 10 minutes. Tanggalin ang takip at baligtarin ang karne. Ulitin ang pagbaligtad kung kailangan hanggang sa magbago ang kulay. Idagdag ang hiniwa-hiwang scallion at ang mixture of cornstarch and water ayon sa seasoning number 2 at halu-haluin hanggang maging opaque ang scallion. Pagkaraan niyan, puwede nang ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |