Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Leadership Institution ng Pilipinas, bumisita sa Serbisyo Filipino

(GMT+08:00) 2017-02-26 17:22:15       CRI

Bumisita noong Lunes, Pebrero 20, 2017 sa tanggapan ng Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (SF-CRI) sa Beijing ang Saceda Youth Lead, isang leadership institution ng Pilipinas.

Ipinahayag ni Edwin M. Bernadas Jr., puno ng delegasyon, na ang pagbisita ay naglalayong ipakita sa mga estudyanteng Pilipino, kung paano sinasanay ng ibat-ibang unibersidad at institusyon ng Tsina ang mga kabataang Tsino upang maging epektibong lider sa ibat-ibang larangan.

Napakahalaga aniya nito para sa mga kabataang kalahok upang mabuksan ang kanilang mga isipan sa tunay na pag-unlad at mga pangyayari sa Tsina.

Ito rin aniya ay makapagpapalalim sa pag-unawa ng mga naturang kalahok sa kulturang Tsino, at magsisilbing mahalagang instrumentong kanilang magagamit sa pagdedebelop ng sarili at bukas na pag-unawa sa ibat-ibang kultura sa mundo.

Sa kanilang pagbalik sa Pilipinas, magkakaroon ng mga programa ang Saceda Youth Lead upang maituro ng mga kalahok ang maraming kaalamang natutunan hinggil sa lipunan, ekonomiya at kultura ng Tsina sa ibang mga kabataang Pilipino, ani Bernadas.

Sa pamamagitan ng isang presentasyon, isinalaysay naman ni Jade Xian, Direktor ng Serbisyo Filipino ang hinggil sa kasaysayan, misyon, layunin, at ibat-ibang programa ng SF-CRI.

Ang Saceda Youth Lead ay isang institusyong nagseserbisyo sa mga kabataang Pilipino, sa ilalim ng pamamahala ng National Youth Comission (NYC).

Labinsiyam (19) na taon na itong naglilingkod sa mga kabataan mula sa elementarya, mataas na paaralan, kolehiyo at maging sa mga batang propesyunal upang bigyan sila ng pagkakataon na magsanay na maging lider, sa pamamagitan ng edukasyon at aksyon.

Ito ang ikalawang beses nang pagbisita ng Saceda Youth Lead sa SF-CRI, at sa taong ito, ang delegasyon ay binubuo ng 18 ang kalahok.

Delegasyon ng Saceda Youth Lead

Jade Xian, habang ipinaliliwanag ang hinggil sa Serbisyo Filipino

Kalahok na miyembro ng  Saceda Youth Lead sa kanilang pagbisita sa broadcasting studio ng Serbisyo Filipino

 Mula sa kaliwa Edwin Bernadas Jr., Rhio Zablan, Asuncion Pabalan at Anna Rebosura

Panayam ng Serbisyo Filipino sa ilang miyembro ng delegasyon ng Saceda Youth Lead

 

 

May Kinalamang Babasahin
rhio
v Astig na Kaalaman Tungkol sa Tsina 2017-02-17 16:15:43
v Tradisyonal na love songs ng Tsina. 2017-02-15 19:22:45
v Tradisyonal na love songs ng Tsina 2017-02-15 19:21:12
v Turismo ng Pilipinas, patok sa Tsina 2017-01-06 11:08:50
v Pasko sa Tsina 2017-01-01 17:22:59
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>