NAKATAGPO ng sapat na dahilan si Ombudsman Conchita Carpio Morales upang ipagsumbong si dating Budget Secretary Florencio Abad ng usurpation of legislative powers, isang krimeng binabanggit sa revised penal code sa pagpapatupad at paglalabas ng Disbursement Acceleration Program.
Samantala, nakaligtas naman sa kasong kriminal at administratibo si dating Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Budget and Management Undersecretary Mario Relampagos. Pinawalang-saysay ang mga usapin laban sa dalawa.
Inakusahan ng Ombudsman si G. Abad ng paglabag sa Article 239 o uruspation of legislative powers, ng Revised Penal Code sa paglabag sa batas sa paglalaan ng National Budget Circular No. 541 na ginamit sa paglalabas ng DAP. Nalaman ding nagkasala si G. Abad ng Simple Misconduct at ipinag-utos na masuspinde ng tatlong buwan.
Sapagkat wala na siya sa puesto, mababago ang parusa at magiging kabayaran sa kanyang tatlong buwang sahod.
1 2 3 4 5 6