|
||||||||
|
||
20170301melo.mp3
|
Secretary Mariano, umaasang tuloy pa ang pag-uusap ng mga pinuno ng National Democratic Front at Pamahalaan ng Pilipinas
SECRETARY MARIANO, UMAASANG TULOY ANG PEACE TALKS. Sinabi ni Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano (kanan) na masigla ang mga programa sa repormang agraryo sa ilalim ni Pangulong Duterte. Ipinaliwanag din niyang umaasa silang tuloy ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front sapagkat bukas pa ang pinto sa pagitan ng magkabilang-panig. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA si Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano na magpapatuloy pa ang pag-uusap ng pamahalaan at ng National Democratic Front. Isa si Secretary Mariano sa tatlong cabinet secretaries na inirekomenda ng National Democratic Front na makasama sa pamahalaan at tumugon sa mga problema sa kanayunan.
Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kanina, sinabi ni G. Mariano na may progreso nang nakamtan sa substantive agenda hinggil sa CASER o Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms na idinaos sa Roma kamakailan.
Pinag-usapan na rin ang detalyes ng bilateral ceasefire. Kasama ni Secretary Mariano sa grupo nina Secretary Judy Taguiwalo ng Department of Social Welfare and Development at National Anti-Poverty Commission sa ilalim ni dating Gabriela Party List Congresswoman Liza Maza.
Nangako na rin umano si Pangulong Duterte na mababawasan ng may siyam na milyong mahihirap na Filipino sa kanilang kinasasadlakan sa pagtatapos ng kanyang liderato sa 2022.
Magpapatuloy pa rin ang kanilang gagawing panawagan sa kanilang kapwa kasapi ng gabinete na ituloy ang pag-uusap sa pagitan ng Pamahalaang Duterte at National Democratic Front.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |