Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

RETIRADONG PULIS NAGSABING BATID NG KANYANG AMO ANG KANILANG GINAGAWA

(GMT+08:00) 2017-03-06 18:43:44       CRI

SINABI ni retired SPO3 Arthur Lascanas na batid ng kanyang dating amo, si Davao City police chief at ngayo'y PNP director general Ronald dela Rosa ang pinaggagawa ng Davao Death Squad.

SENADO, PINAKINGGANG MULI SI SPO3 LASCANAS.  Humarap si retiradong SPO3 Arthur Lascanas sa Senado sa isang pagdinig kanina.  Binanggit niya ang kanyang papel sa Davao Death Squad.  Sinabi ni G. Lascanas na pinuwersa siyang tumangging may alam siya sa Davao Death Squad. Humingi siya ng tawag sa Senado sa kanyang naunang pahayag.  (PRIB Picture ni Albert Calvelo)

Sa idinaos na pagdinig ng Senate committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi ni Lascanas na batid ni G. dela Rosa na noo'y intelligence operations chief ng Davao Regional Police Office ang kanilang operasyon laban sa isang Taiwanese national na kabangga ni Charlie Tan na matalik na kaibigan ni Paolo Duterte.

Idinagdag pa ni G. Lascanas na iniutos ni SPO4 Sonny Buenventura ang operasyon.

Nadakip umano ang Taiwanese national sa pamamagitan ng impormasyong mula kay Buenaventura sa harap ng isang KTV bar na sarili ni Charlie Tan. Minalas lang umano sapagkat may kasamang dalawang Filipino ang Taiwanese.

Ang dalawang Filipino ay na sa maling lugar sa maling oras. Sinabihan umano nila si Buenaventura na may kasamang dalawang Filipino ang Taiwanese national at sinabihan ding patayin na rin ang dalawa at kinilalang collateral damage.

Sinunod na lamang nila ang utos ni Superman na noo'y Punonglunsod ng Davao na si Rodrigo Duterte. Dinala umano ang tatlo sa quarry at doon na pinatay at ibinaon.

Matapos umanong ilibing ang tatlong pinatay, nagkita sila ni G. Dela Rosa sa Buhangin, Davao City at tinanong sa kanyang findings sa usapin ng Taiwanese national.

Tinanong umano ni G. dela Rosa kung ano ang kanilang nabatid sa usapin at kung anong ginawang pagsisiyasat.

Sinabi umano niyang walang imbestigasyon at walang anumang illegal drugs at nabatid lamang niyang may problerma ang Taiwanese national kay Tan.

Sinabi umano ni G. Dela Rosa na parang pagbura lamang sa mga kalaban sa kalakal. Hindi umano nila batid na ginawa silang foot soldier ng mga drug lord.

Ang alam umano niya ay isang Taiwanese si Charlie Tan at mayroong isang KTV. Sa usap-usapan, sangkot umano si Tan sa illegal drugs.

Isa pa umanong insidente na nagkita sila ni G. dela Rosa ay ng ang maybahay ni Salik Mack Doom na dinukot ng Davao Death Squad ay nagreklamo sa hinihinging ransom. Inilahad pa ni Lascanas na nagreklamo ang asawa ni Mack Doom at nagalit si Dela Rosa. Ipinagtatanong ng maybahay kung bakit himihingi ng ransom si Edgar Matobato. Ipinaliwanag umano ni Lascanas na hindi si Matobato ang humihingi ng ransom kungdi ang kanilang grupo.

Naganap umano ang mga insidente sa pagitan ng 1998 hanggang 1999.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>