Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Malawakang kampanya laban sa mga guerilyang New People's Army, ipinag-utos ni Pangulong Duterte

(GMT+08:00) 2017-03-09 16:53:04       CRI

Defense Secretary Lorenzana, naniniwalang matatapos ang salot na dulot ng Abu Sayyaf sa huling araw ng Hunyo

 ABU SAYYAF, MATATAPOS NA SA KALAHATIAN NG TAON.  Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana sa kanyang talumpati sa harap ng National Defense College of the Philippines kaninang umaga.  Binanggit din niyang umalis kagabi sina Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at nakasabay sina Benito at Wilma Tiamzon at Vicente Ladlad upang magkaroon ng back-channeling at masimulang muli ang peace talks.  (Melo M. Acuna)

SINABI ni Defense Secretary Delfin N. Lorenzana na naniniwala siyang kaya ng Armed Forces of the Philippines na tapusin ang salot na dulot ng Abu Sayyaf sa huling araw ng Hunyo 2017.

Sa kanyang pagharap sa mga mag-aaral ng National Defense College of the Philippines at mga mamamahayag sa Kampo Aguinaldo, sinabi ni G. Lorenzana na pawang kahihiyan ang idinulot ng Abu Sayyaf sa international community sapagkat umabot lamang sa 16 ang mga bihag ng grupo noong magsimulang mangungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte noong ikatatlumpu ng Hunyo 2016.

Umabot na sa 31 ang bihag ng Abu Sayyaf ngayon. Bantog ang grupong ito sa pamimirata at pagdukot sa mga Filipino at mga banyaga. May 400 katao pa ang puwersa ng Abu Sayyaf at nadagdagan na naman ang kanilang mga bihag sa pagkakadukot sa mga Vietnames na magdaragat.

Na sa Sulu ang karamihan ng mga Abu Sayyaf at mayroong ilan sa Basilan na posibleng kinaroroonan ng mga Vietnamese. Wala umanong mga Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi.

Ani Secretary Lorenzana lulan ng barkong Vietnames ang sementong kailangan sa Mindanao sapagkat mas murang bumili mulasa Vietnam kaysa magdala mula sa Maynila.

Wala umanong balak ang mga Vietnames na sundin ang kanyang mungkahi na maglaan na rin ng mga sandata upang malabanan ang mga pirata sapagkat lalabag sila sa international law sa oras na armasan nila ang mga sibilyang magdaragat.

Kailangan na lamang magkaroon ng koordinasyon sa pagitan ng mga Filipino at mga Vietnames na magdaragat upang masabayan sila sa paglalayag tungo sa kanilang pagdadalhan ng mga kargamento. Ito rin ang kanilang mungkahi sa mga Koreanong magdaragat.

Mayroong koordinasyon sa pagitan ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia sa pagpapatrolya sa karagatan sa katimugang bahagi ng bansa.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>