|
||||||||
|
||
Melo 20170310
|
Malaki ang mawawalang kalakal sa Pilipinas sa pagbabalik ng parusang kamatayan
ASEAN-EUROPEAN UNION NAG-USAP. Nagpalitan ng mga pananaw sina European Union Trade Commissioner Cecilia Malstrom, ika-anim mula sa kaliwa, at economic ministers ng ASEAN. Pinamunuan ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez (ika-pito mula sa kaliwa) ang pulong. Dumalo sa pagtitipon ang mga oposial ng Leo People's Democratic Republic, Malaysia, Myanmar, Thailand, Viet Nam, Singapore, Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia at ASEAN Secretariat. (DTI Photo)
SINABI ni European Trade Commissioner Cecilia Malstrom na malaki ang posibleng mawalang kalakal sa Pilipinas sa mga kasunduang nilagdaan ng bansa sa European Union kung ipagpapatuloy ng pamahalaan ang balak nito.
Sa isang press conference, sinabi ni Bb. Malstrom na nababahala sila sa ilang isyu sa Pilipinas tulad ng pagbabalik ng death penalty, extra-judicial killings at panukalang pagpapababa ng judicial responsibility age sa siyam na taong gulang na posibleng magka-epekto sa kalakal.
Kung magpapatuloy ang mga ito, maapektuhan ang pagbabalik-aral sa kasalukuyang mga kasunduan ng Pilipinas sa European Union na kilala sa pangalang Generalized System of Preference Plus o GSP.
Sa ilalim ng kasunduan, nagbibigay ang European union ng zero duties sa may 6,274 na produktong gawa sa Pilipinas. May 27 international conventions na nagsusulong ng human at labor rights, environmental protection at magandang pagpapatakbo ng pamahalaan.
Noong nakalipas na taon, nanawagan ang European Parliament sa pamamagitan ng resolusyon na magsagawa ng imbestigasyon sa pinaniniwalaang mga paglabag sa karapatang pangtao sa malawakang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga.
Minura pa sila ni Pangulong Duterte sa pakikialam sa mga nagaganap sa Pilipinas. Nanghihimasok umano ang European Union sa domestic issues ng Pilipinas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |