|
||||||||
|
||
Kalakalan sa Pilipinas, lumago ng 14.2%
LUMAGO ang kalakalan sa Pilipinas ng may 14.2% noong nakalipas na Enero ng taong ito sa pagdagsa ng export receipts mula sa karamihan ng mga pamilihan ng Pilipinas.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority sa National Economic and Development Authority, ang buong kalakal ay lumago at umabot sa US$ 12.6 bilyon sa paglago ng imports ng 9.1% at exports na lumakas sa 22.5%.
Ang export receipts mula sa China ay lumago ng 26.2%, South Korea ng may 50.5%, ASEAN ng 19.3%, European Union ng may 82.5% at Estados Unidos ng may 16.5%.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia, nakasabay na ang Pilipinas sa pagunlad ng rehiyon at kailangang ituloy ang mga pagbabago at pagpapaunlad ng mga pagawaing-bayan upang makalamang ang Pilipinas.
Umabot sa US$ 5.1 bilyon ang kinita sa exports noong Enero sa pagkakaroon ng kaunlaran sa forest products ng may 266.2%, agro-based products na nagtamo ng 33.7% at manufactures ng 23.1%.
Nabawasan ang import payments sa halagang US$ 7.4 bilyon dahilan sa kakulangan ng pangangailangan ng capital goods na umabot sa -11.0% na nakaapekto sa kinita ng consumer goods na 22.8%, raw materials at intermediate goods na 15.2% at mineral fuels at lubricants na 42.7%.
Idinagdag pa ni G. Pernia na nararapat suportahan ang pag-unlad ng ekonomiya sa pagpapalakas ng production capability at linkages tulad ng sa pagsasaka at manufacturing upang makatugon sa internal at external demands.
Lahat ng ekonomiya sa Asia ang nagkaroon ng positive trade figures na kinatagpuan ng Pilipinas sa ikatlong pinakamataas na kaunlaran sa paghahambing sa nakalipas na taon.
Nagtamo ang Indonesia ng 21.4%, Singapore na nagkaroon ng 19.9%, sinundan ng Malaysia na nagtaglay ng 12.0% at Tsina na nagkaroon ng 11.4%. Maganda ang nagaganap sa Asia at maging sa pakikipagkalakal sa European Union subalit ang pandaigdigang kaunalran ay nagpapatuloy sa protectionist policies ng Estados Unidos na makakapagpabagal sa pagbawi ng pandaigdigang kalakal.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |