|
||||||||
|
||
Senador de Lima, maaaring magtagal pa sa piitan
MALAKI ang posibilidad na magtagal sa pagkakabimbim si Senador Leila de Lima na nahaharap sa tatlong reklamo hinggil sa illegal drugs sapagkat gagawin ang pagdinig sa kanyang mga petisyong pawalang-saysay ang mga reklamo sa susunod na buwan.
Binigyan ni Branch 205 Judge Amelia Fabros Corpus ang mga taga-usig mula sa Department of Justice ng 10 araw upang maghayag ng kanilang panig sa motions to quash at judicial determination ng probable cause.
Inutusan din ang pag-uusig na sumagot sa loob ng 10 araw sa mosyon ni Jose Adrian Dera, ang kapwa akusado ni Senador de Lima sa usapin na alamin kung may sapat na dahilan upang ireklamo at pigilan ang paglalabas ng warrant of arrest.
Binigyan din si Senador de Lima ng sampung araw na tumugon sa kahilingan ng tagausig na pagsamasamahin na ang mga usapin. Gagawin ang susunod na pagdinig sa darating na Biyernes, ika-21 ng Abril sapagkat suspendido ang pagdinig sa mga hukuman pagsapit ng Mahal na Araw.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |