|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Metro Manila, may pag-asang makatugon sa pangangailangan
NANINIWALA sina Quezon City Police Director Guillermo Eleazar at retired General Manuel S. Gonzales ng Metro Manila Development Authority na matutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng lumalaking bilang ng mga mamamayan nito sa Metro Manila.
Sa idinaos na "Wednesday Roundtable @ Lido," sinabi ni G. Fernando Salamante ng special projects section ng Department of Social Welfare and Development-National Capital Region, na angkop ang kanilang mga programa para sa mga walang tahanan, mga kabataang na sa lansangan at may kapansanan sa pag-iisip at maging mga kinikilalang informal settlers.
Sinabi ni G. Salamante na nakakatulong din ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa kanilang lumalaking bilang ng mga kliyente. Kahit umano ang mga Badjao ay nakikinabang din sa kanilang programa sa pamamagitan ng pag-oorganisa at pagsasailalim ng skills training.
Isyu ng transportasyon ang binigyang-pansin ni G. George San Mateo ng Piston idinaos na "Wednesday Roundtable @ Lido." Kailangang magkaroon mga bagong lansangan sapagkat umaabot sa 60-65% ng mga bagong sasakyang nabibili ay nananatili sa Metro Manila. Kung luwagan man ang mga lansangan ay napapalitan naman ng mga illegally-parked vehicles.
Para kay G. Lito Vergel de Dios, dating chief ng MMDA traffic management, salasalabat ang problema ng Metro Manila sapagkat marami ang walang disiplina sa Metro Manila na nauuwi sa gulangan at walang paggalang sa batas trapiko.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |