|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Walang special treatment sa mga akusadong pulis
SINABI ni Sr. Supt. Dionardo Carlos, tagapagsalita ng Philippine National Police na walang special treatment sa grupo ng mga pulis na akusado ng murder sa pamumuno ni Supt. Marvin Marcos. Nakabimbin sina Supt. Marcos sa CIDG Custodial Facility sa Tacloban City.
Akusado ang grupo ni Supt. Marcos ng pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa, Sr.
Ani Sr. Supt. Carlos, bahala ang hukuman kung saan nais na madetine ang grupo ni Supt. Marcos. Mga akusado sila, mga pinaghihinalaang sangkot sa krimen kaya't tatratuhin lamang sila ng itinatadhana sa batas, dagdag pa ni G. Carlos. Ang hukumang naglabas ng warrant of arrest ang nagsabi kung saan nararapat mapiit ang mga akusado.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |