|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pahayag ni Congressman Quimbo, pinabulaanan
PINAWALANG-SAYSAY ni Congressman Edcel C. Lagman ang nagging pahayag ni Marikina Congressman Miro Quimbo na hindi susuportahan ng karamihan ng mga mambabatas na kabilang sa Liberal Party ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang akda ni Magdalo Congressman Gary Alejano ang unang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte.
Ani Congressman Lagman, walang anumang naganap na pulong ang liderato ng Partido Liberal sa Mababang Kapulungan at sa Senado hinggil sa impeachment complaint laban sa pangulo ng bansa.
Ang Liberal Party, ang tunay na minorya sa Mababang Kapulungan, ay 'di lamang natanong bilang mga indibiduwal o sa karamihan sa pahayag ni Congressman Quimbo na hindi susuportahan ng mga Liberal ang impeachment complaint laban sa pangulo ng bansa.
Sa kanyang pagsusuri, ani Congressman Lagman, nabatid niyang angkop sa nilalaman at sa pagkakahanda ang impeachment complaint.
Nararapat magsagawa ng malawakang pagdinig ang Committee on Justice sa impeachment complaint at payagan si Congressman Alejado na maglabas ng mga saksi at dokumento upang suportahan ang kanyang pormal na reklamo.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |