|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Higit sa 130 NPAs nahulog sa panig ng pamahalaan mula noong Pebrero
UMABOT na sa 132 mga pinaniniwalaang kasapi ng New People's Army ang nahulog na sa panig ng Armed Forces of the Philippines mula ng iutos ni Pangulong Duterte ang pagpapatuloy ng operasyon sa lahat matapos tumalikod ang mga Komunista sa negosasyon.
Sa isang press conference, sinabi ni Col. Edgard Arevalo, pinuno ng AFP Public Affairs, mula noong ika-apat ng Pebrero hanggang ika-22 ng Marso, 24 na ang napaslang, 20 naman ang nadakip. Higit sa 80 ang mga sumuko samantalang nabawi naman ng pamahalaan ang may 83 mga sandata. Nagkaroon din ng 64 na sagupaan mula noong mawalang-bisa ang unilateral ceasefire na idineklara ng magkabilang panig.
Idinagdag pa ni Col. Arevalo na lumabag ang mga NPA sa kanilang deklaradong unilateral ceasefire ng 67 ulit mula noong ika-15 ng Enero. Walo ang pananambang, 33 ang harassment, pito ang pagdukot at 14 na panununog at isang pagnanakaw.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |