|
||||||||
|
||
Melo 20170523
|
Tulong ng European Union, magpapatuloy pa
SINABI ni European Union Ambassador to Manila Franz Jessen na magpapatuloy pa ang tulong ng kanilang samahan hanggang sa liwanagin ng administrasyong Duterte ang pagtanggi ng kanilang tulong.
Sa isang pahayag sa mga kasapi ng media, sinabi ng European Union ambassador na wala pa silang natatanggap na anumang nakasulat hinggil sa kalakarang binanggit ng pangulo sa isang talumpati noong nakalipas na linggo.
Sinabi ni Ambassador Jessen na dadalaw siya sa tanggapan ni Foreign Secretary Alan Peter Cayetano upang liwanagin ang lahat. Kasama ni Pangulong Duterte si Secretary Cayetano sa Russia.
Walang binabawas sa kanilang tulong at sila'y nakikipag-usap sa pamahalaan kung paano mapaghuhusay ang pagtulong sa mga mamamayang nangangailangan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |