|
||||||||
|
||
Walang nasawi o nasugatang Filipino sa naganap sa Manchester
WALANG nasugatan o nasawing Filipino sa naganap na pagpapasabog sa Manchester Arena. Ito ang sinabi ng Department of Foreign Affairs. Sinabi ni acting Foreign Affairs spokesman Robespierre Bolivar na walang natanggap na balita ang Embahada ng Pilipinas sa London na may nasawi o nasugatang Filipino.
Ibinalita ng pulisya na may 22 ang nasawi at higit sa 50 ang sugatan sa pagpapasabog na kagagawan ng isang suicide bomber may pasado ikasampu't kalahati ng gabi oras sa London at ikalima't kalahati ng umaga oras sa Pilipinas.
Naganap ang pagpapasabog dalawang linggo bago maganap ang halalan na inaasahang pagwawagian ng conservative na si Prime Minister Theresa May.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |