|
||||||||
|
||
Russia, 'di makikialam sa mga usaping pambansa
TINIYAK ni Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta na hindi makikialam ang Russia sa ibang bansa tulad ng Pilipinas sapagkat hindi rin sila papaya na pakialaman ng ibang bansa.
Ito ang pahayag ni Ambassador Sorreta sa mga harap ng mga mamamahayag na Filipinong dumalaw kasama ni Pangulong Duterte.
Nagbigay ng briefing si Ambassador Sorreta sa mga mamamahayag sa mga magaganap sa pagdalaw ni Pangulong Duterte at sa nakatakdang pakikipag-usap kay Pangulong Vladimir Putin.
Nagmula ang tugon sa pahayag ni Pangulong Duterte na tatanggihan niya ang ayudang mula sa European Union. Mahalagang isyu ang human rights sa mga bansang kabilang sa European Union na nauwi sa pagpapatawag sa mga ambassador ng Pilipinas sa ilang mga bansa sa kanlurang bahagi ng daigdig.
Hindi man lamang umano siya ipinatawag ng Russian government sa issue ng human rights.
Magugunitang isa ang European Union sa nagpahayag ng pagkabahala sa nagaganap na mga pagpaslang sa pinaniniwalaang mga sangkot sa illegal na droga.
Mahalaga umano sa Russia ang "policy of non-interference." Nakatuon ang pansin ng mga Ruso sa economic issues kaysa sa larangan ng seguridad, at tanging sa security cooperation lamang.
Dumating si Pangulong Duterte sa Moscow pasado ika-apat ng umaga, oras sa Maynila, pasado ika-siyam ng gabi sa Moscow.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |