|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, nakiramay sa mga biktima ng pagsabog sa Manchester
NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagdadalahamhati matapos ang madugong pagpapasabog sa isang konsiyerto ni Ariana Grande sa Manchester Arena.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinarating ni Pangulogn Duterte ang pakikiisa sa mga naulila at mga nasugatan sa pangyayari. Pinuri din niya ang madaliang pagtugon ng pulisya at iba pang security officers.
May 22 ang nasawi na kinabilangan ng ilang bata samantalang may 59 ang sugatan ng magpasabog ang isang suicide bomber sa paglabas ng mga nanuod ng konsiyerto. Ito ang pinakamadugong paghahasik ng lagim mula ng sumalakay ang apat na British suicide bombers sa kanilang public transport noong Hulyo ng 2005.
Kinilala ni Prime Minister Theresa May ang pangyayari bilang isang terrorist attack. Nasawi rin ang nagpasabog matapos gamitin ang kanyang dalang improvised explosive device.
Na sa isang apat na araw na official visit si Pangulong Duterte sa Russia at inaasahang titingnan ang mga kagamitan ng Russia para sa anti-terrorism operations. Handa rin siyang bumili ng precision-guided weapons mula sa Russia.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |