|
||||||||
|
||
20170525melo.m4a
|
Bishop Dela Pena, umaasang ligtas ang hostages mula sa simbahan
NANANALANGIN ni Marawi Bishop Edwin Angot dela Pena mula sa Mission Society of the Philippines na manatiling ligtas sina Fr. Teresito "Chito" Suganob at 14 na iba pa na dinukot ng Maute Group sa simbahan ng noong Martes ng gabi.
Sa isang panayam, sinabi ni Bp. De la Pena na sa likod ng kanilang pangamba ay ikinagagalak nila ang panalanging mula sa buong Simbahang Katolika sa Pilipinas at sa buong daigdig.
Nakikipag-ugnayan na sila sa iba't ibang sektor sa pag-asang makumbinse ang mga nasa likod ng pagdukot na palayain sa pinakamadaling panahon ang mga bihag.
Idinagdag pa ni Bishop dela Pena na ginagawa ng kanilang mga pinakiusapang tumulong ang kanilang magagawa upang makabalik sa madaling panahon ang mga binihag. Hindi na umano tumawag pa sa kanila ang pinuno ng mga sumalakay mula noong Martes ng gabi.
Nabalita rin ni Bishop dela Pena na mayroon pang hostages na nakuha sa ibang bahagi ng Marawi City. Napakaaga pa upang maglunsad ng relief efforts sapagkat mayroon pang mga armado sa Marawi City at tuloy pa rin ang operasyon ng pulisya at military sa lungsod.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |