|
||||||||
|
||
Paggalang sa batas, mananatili sa ilalim ng Martial Law
TINIYAK ng Department of National Defense na kikilalanin ng mga kawal at mga tauhan ng kanilang kagawaran ang batas at karapatang pangtao sa mga pook na saklaw ng Martial Law.
Ito ang napapaloob sa isang kautusan na nilagdaan ni Eduardo del Rosario, DND officer-in-charge at undersecretary for civil, veterans and retiree affairs na may petsang ika-24 ng Mayo.
Ang anumang pagdakip, paghahalughog at pagsamsam kabilang na ang pormal na reklamo ay nararapat tumugon sa Revised Rules of Court at mga naunang desisyon ng Korte Suprema.
Ang mga tanggapan at ahensyang sangkot sa humanitarian activities ay tinatawagang kumilos upang tulungan ang mga nagsilikas sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga tanggapan ng pamahalaan.
Niliwanag niyang ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao ay 'di nangangahulugan ng pagsuspinde sa itinatadhana ng Saligang Batas. Hindi rin gagamitin ang mga hukuman ng sandatahang lakas sa mga sibilyan sapagkat bukas naman ang mga hukuman sa buong Mindanao.
Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines na titiyaking walang lalabag sa human rights kahit pa deklarado ang Martial Law.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |