|
||||||||
|
||
Secretary Aguirre nagsabing dumulog na sa Korte Suprema ang mga kontra sa Martial Law
IMINUNGKAHI ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa mga pumupuna sa deklarasyon ni Pangulong Duterte na nagsailalim sa buong Mindanao sa Martial Law na dumulog na lamang sa Korte Suprema upang mabatid kung ayon sa batas ang ginawa ng pangulo.
Sinabi ni dating Constitutional Commissioner Christian Monsod na ang naganap na sagupaan sa Marawi City ay 'di masasabing rebelyon, isa sa dalawang dahilan sa deklarasyon ng Martial Law.
Sinabi ni Philippine Muslim Society na ang military solution ay 'di makatutugon sa problema at maaring maging dahilan upang mas maraming kabataang Muslim ang lumahok sa mga kalaban ng pamahalaan.
Sa ilalim ng Proclamation 216, sinabi ni Pangulong Duterte na rebelyon ang ginawa ng Maute group sa Marawi City. Pinasok nila ang isang pagamutan, sinunog ang mga tanggapan ng pamahalaan at ng mga pribadong tao at nagtaas ng watawat ng Islamic State of Iraq ang Syria.
Sinabi ni G. Aguirre na angkop lamang ang ginawang deklarasyon ni Pangulong Duterte.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |