|
||||||||
|
||
Deklarasyon ng Martial Law, ikinababahala
NANGANGAMBA ang Human Rights Watch, sa pamamagitan ng Legal at Policy Director na si James Ross na ang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na martial law na idineklara ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay maihahalintulad sa pagtawag sa kaluluwa ng yumaong diktador.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni G. Ross na isang malaking dagok sa mga nagdusa sa ilalim ng Martial Law ni Marcos ang nabanggit at paghahalintulad ng kanyang pinakahuling deklarasyon.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation No. 216 samantalang nasa Russia noong ika-23 ng Mayo na nagsailalim sa buong Mindanao sa batas militar matapos sumalakay ang may isang daang mga armadong kabilang sa Maute na nagtatangkang kilalanin ng ISIS ang Marawi City samantalang magdadala ng warrant of arrest kay Isnilon Hapilon na isng pinuno ng Abu Sayyaf.
Binanggit ni G. Ross na noong panahon ni Marcos, nagsagawa ng walang pakundangang pagdakip ang mga alagad ng batas, nangbimbin at nagpasakit kabilang na ang mga pagpatay at pagkawala ng mga kinilalang kalaban ng pamahalaan.
Tiniyak naman ni G. Duterte na walang anumang pag-abusong magaganap sa kanyang Martial Law. Ikinagulat lamang ni G. Ross na ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs ay ikinasawi na ng mga pinaghihinalaang umabot sa higit sa 7,000 katao.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |