|
||||||||
|
||
Takot sa armadong lalaki ang dahilan ng pagtatago ng mga nasawi
ANG takot sa nag-iisang may baril ang naging dahilan ng pagkukubli ng mga panauhin at mga kawani sa mga silid na kanilang kinamatayan dahil sa paglanghap ng maitim na usok.
Ito ang sinabi ni Kingson Sian, pangulo ng Resorts World Manila ng tanungin sa mga kaukulang hakbang upang maiwasan ang panganib sa kanilang resort. Idinaos ang isang pinagsanib na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan hinggil sa sakunang naganap.
Ani Sian, mayroong 12,100 mga panauhin at mga kawani na nakaligtas at nakalulungkot na nasawi ang ilan sa kanila. Hindi gasinong nangamba ang mga tao sa sunog bagkos ay sa pagpapaputok ng sumalakay na armado.
Natural umanong reaksyon ang lumikas mula sa sunog subalit nangamba sila sa pagpapaputok ng armado. Natagpuan ang ilang mga bangkay sa fire exit ng casino.
Sinabi naman ni Chief Supt. Tomas Apolinario ng Southern Police District na ang mga bangkay ay natagpuan sa VIP room ng casino, sa high rollers' slot machine section at maging sa palikuran sa ikalawang palapag.
Isang pinto patungo sa fire exit ang natagpuan sa VIP room. Sa pagdinig kanina, sinabi ni Stephen Reily, Chief Operating Officer ng Resorts World na mayroong 13 fire exits sa ikalawang palapag, siyam ang nasa gaming area. Mayroon umanong gumaganang sprikler system, fire detection and alarm system at organisadong fire command center.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |