|
||||||||
|
||
Deklarasyon ng Martial Law, nakababahala sa kalakal at manggagawa
IKINABABAHALA ng mga mangangalakal at manggagawa ang deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao sa likod ng patuloy na kampanya laban sa droga na ikinasawi na libu-libong mga Filipino.
Ito ang paniniwala nina Julius Cainglet ng Federation of Free Workers at Katrina Stuart Santiago, isang opinion writer ng Manila Times sapagkat lumabas na sa mga balita na isa sa pinakamagulong bansa ang Pilipinas.
Sinabi ni G. Cainglet na kung may Martial Law sa alinmang bahagi ng bansa ay mangangamba ang mga mangangalakal na maglagak ng kapital sa ekonomiya. Magkakaroon ng mga agam-agam sa anumang balak na magpalawak ng kalakal sa bansa.
Samantala, sinabi ni Bb. Santiago na sa lumabas na pahayag ng Institute for Economics and Peace, na nakamtan ng Pilipinas ang ika-138 puwesto sa may 163 bansang kasama sa report. Ang peace ranking ng Pilipinas ang ikalawa sapinakamababa sa Asia-Pacific region. Nauna ang Pilipinas sa North Korea na nasa ika-150 puwesto. Lumala umano ang societal safety and security indicators sa ilalim ng Duterte administration.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |