|
||||||||
|
||
Comelec at Smartmatic, ipinagsumbong
INIUTOS ng Department of Justice ang pagpaparating ng usaping kriminal sa hukuman laban sa mga tauhan ng Commission on Elections at ng poll technology provider na Smartmatic sanhi ng pagbabago sa script sa transparency server noong nakalipas na halalan ng Mayo 2016.
Sa isang resolusyon na may petsang ikalawang araw ng Hunyo, nakatagpo ng sapat na dahilan si Justice Undersecretary Deo Marco upang ipagsakdal si Marlon Garcia ng Smartmatic, ang pinuno ng technical support team at kanyang mga tauhang sina Neil Baniqued at Mauricio Herrera sa paglabag sa ilang bahagi ng Republic Act 10175 na kilala sa pangalang Cybercrime Prevention Act.
Kasama sa ipiangsumbong sina Louie Penalba, Nelson Herrera at Frances Mae Gonzales ng Comelec Information Technology department. Pinawalang-saysay ang reklamo laban kay Smartmatic project director Elie Moreno sa kawalan ng ebidensya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |