|
||||||||
|
||
Melo 20170609
|
Pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas, ginunita at ipinagdiwang
HIGIT sa 200 katao ang dumalo sa pagdiriwang ng pagkakaibigan ng Tsina at Pilipas na kinatampukan ng paglulunsad ng aklat na nagtatampok ng pagdalaw ni Sultan Paduka Batara sa Tsina may 600 taon na ang nakalilipas.
Naging panauhing pandangal si Undersecretary Ariel Abadilla ng Department of Foreign Affairs at ang charge' D' Affaires ng People's Republic of China Bb. He Xiang Qi at si Deputy Director Yu Luhai ng Dezhou Bureau of Culture, Radio, Television and Press.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni G. Abadilla na tunay na matagal na ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas at higit na kapaki-pakinabang ang pagpapanatili ng magandang ugnayan ng dalawang bansa.
Sa panig ni Bb. He, magandang umasa ng higit na magpapatuloy ang pagkakaibigan ng dalawang bansa sapagkat tumagal na ang malapit na relasyon ng dalawang bansa ng libong taon. Pinahalagahan din ng Tsina ang paniniwalang Islam ni Sultan Paduka Batara kaya't marami pang salinglahi na nanatili sa Dezhou at mga kalapit-pook.
Ayon kay Director Yu, makikita ang pagiging magkaibigan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng kultura at sining.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |