|
||||||||
|
||
Balitang nakatakas na si Isnilon Hapilon, itinanggi ng Armed Forces
TUMANGGI si Brig. General Restituto Padilla, ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines sa lumabas na balitang nakatakas na si Isnilon Hapilon mula sa Marawi City sapagpapatuloy ng mga sagupaan sa pagitan ng mga kawal ng pamahalaan at mga armadong tagahanga ng ISIS.
Sa isang press briefing sa Malacanang kanina, sinabi ni General Padilla na wala pang matibay na ebidensyang nakatakas na si Hapilon at naniniwala pa ang Task Force Marawi na naroon pa ang pinaghahanap na lider ng Abu Sayyaf.
Ayon sa napagkakatiwalaang source ng isang himpilan ng telebisyon (GMA7), nakatakas na umano si Hapilon. Isang source mula sa militar ang nagsabing nagtangka pa umanong bumalik si Hapilon sa Marawi City matapos makatakas.
Inaalam pa naman ng pamahalaan kung totoo ang balita ayon naman kay National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon. May mga larawan at video na lumabas na nagpapakitang nagbabalak sina Hapilon at mga kasama ng kanilang pagsalakay sa Marawi City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |