|
||||||||
|
||
Pagdalaw ni Sultan Paduka Batara sa Tsina, mahalaga
MGA APO NG SULTAN NG SULU DUMALAW MULA SA DEZHOU. Makikita ang mga kinatawan ng komunidad ng mga naulila ni Sultan Paduka Batara sa paglulunsad ng aklat na pinamagatang "The Ties that Bind: The Sage of the Sultan of Sulu in China." Itinaon ang paglulunsad ng aklat sa pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas. Dumalaw ang mga descendants ni Sultan Paduka Batara upang makipagdiwang sa pagkakaibigan ng dalawang bansa. (Melo M. Acuna)
EXHIBIT HINGGIL SA PAGDALAW NI SULTAN PADUKA SA TSINA, SINIMULAN. Makikita ang mga panauhing pandangal sa pagbubikas ng exhibit ng mga larawan at iba pang ala-ala ng pagdalaw ni Sultan Padduka Batara sa Tsina. Na sa larawan ang mga kinataran ng Filipino-Chinese Associations, Kaisa Foundation, Embassy of the People's Republic of China at mga app ni Sultan Paduka Batara na nanirahan na sa Tsina. (Melo M. Acuna)
SINABI ni Gng. Teresita Ang See na mahalaga ang pagdalaw ni Sultan Paduka Batara sa Tsina sapagkat naganap ito noong 1417, 104 na taon bago dumating sa bansa si Ferdinand Magellan at 80 taon din bago nakarating si Vasco de Gama sa Cape of Good Hope noong 1457.
Ito ang napapaloob sa aklat na pinamagatang "The Ties That Bind: The Saga of the Sultan of Sulu in China" na akda ni Gng. Teresita Ang See.
Nakita ang husay ng mga Filipino sa larangan ng paggawa ng balangay (bangkang pangpasahero), kaalaman sa paglalayag at paggamit ng natural na takbo ng panahon, pagbabasa ng mga bituin sa kanilang paglalayag.
Hindi rin umano biro ang pagbuo ng mga kailangan ng 340 kataong sumama sa paglalakbay. Nakita rin ang kakaibang sistema sa larangan politika at economic system.
Sa pagkakaibigan ng Sulu at Tsina, yumabong ang pagtutulungan. Idinagdag pa ni Gng. See na ang anim na raang taon ay kinatampukan ng dalawang dynasties at pagbuo sa People's Republic of China.
Ang libingan ni Sultan Paduka Batara ang nag-iisang mausuleo na binabantayan ng mga kamag-anak na umabot na sa 3,700 katao. Pinahalagahan ng Tsina ang pagkakaibigan ng kanilang Emperador Long He at ni Sultan Paduka Batara sa pamamagitan ng pag-aalaga sa libingan na natataning mayroong kautusan ng emperador at museo.
Tatlong mga banyagang sultan ang dumalaw sa Tsina noong mga unang taon ng Ming Dynasty na nasawi samantalang nasa Tsina. Unang dumalaw ang sultan ng Brunei noong 1408 at nagkaroon ng libingan sa Nanjing. Ang Sultan ng Sulu ay dumalaw noong 1417 at nalibing sa Shandong at mula sa Kumalalang na ngayo'y kilala sa pangalang Basilan noong 1420.
Inilibing ang sultan ng Basilan sa Fuzhou subalit hindi napangalagaan ang kanyang libingan.
Idinagdag pa ni Gng. See na sa unang pagkakataon noong 2005, nakadalaw ang mga salinglahi ng Sultan ng Sulu sa Pilipinas sa kanilang lupang tinubuan sa Jolo matapos ang 588 taon na nagpapakita lamang ng mainit na relasyon ng dalawang bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |