|
||||||||
|
||
Pangulong Duterte, susunod sa Korte Suprema
SINABI ni Pangulong Rodrigo Duterte na susunod siya sa anumang magiging desisyon ng Korte Suprema sa kanyang idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Ginawa ng pangulo ang pahayag sa isang chance interview sa Sultan Kudarat, Maguindanao.
Ayon sa pangulo, susunod siya sa anumang maging desisyon ng Korte Suprema. Nakatanggap ang Korte Suprema ng tatlong petisyon na humihiling na pawalang-saysay ang deklarasyon. Dalawang petisyon ang humiling na atasan ang Kongreso na magsagawa ng joint session at pag-usapan ang deklarasyon ng Martial Law.
Naungang sinabi ni Senador Vicente Sotto III at Speaker Pantaleon Alvarez na magkakaroon ng constitutional crisis dahil hindi mauutusan ng Korte Suprema ang Kongreso at Senado sapagkat nakapagdesisyon na silang pabor sa Martial Law.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |