|
||||||||
|
||
Melo 20170623
|
Sabwatan ng mga Maute at Bangsamoro Islamic Freedom Fights posible
ANG ginawang pagsalakay ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fights o BIFF kamakalawa sa Pigcawayan, North Cotabato ay walang koneksyon sa kaguluhan sa Marawi City kahit mayroong "tactical alliance" sa Maute Group.
Posible umano ang tactical alliance at nakitang nagpapadala ng mga tao ang BIFF sa mga pagkilos ng Maute at iba pang local terrorist groups sa bansa. Ito ang sinabi ni East Mindanao Command deputy commander Brig. General Gilbert Gapay sa idinaos na Mindanao Hour sa Davao City.
Pareho sila ng pananaw ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na ang ginawa ng BIFF sa North Cotabato ay walang koneksyon sa kaguluhan sa Marawi City.
Idinagdag pa ni General Gapay na hindi kasing lala ng mga sagupaan sa Marawi City ang naganap sa Pigcawayan. Bagaman, tuloy ang operasyon ng militar laban sa mga BIFF.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |