|
||||||||
|
||
Finance Secretary Dominguez, umaasang makakasama sa AIIB
UMAASA si Finance Secretary Carlos Dominguez III na magkakatulungan ang Duterte Administration at ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na malaki na ang nagawa sa pagtulong sa mga kasama sa bangko kahit dadalawang taon pa lamang ang operasyon.
Binati ni G. Dominguez si AIIB President Jin Liqun at ang magandang nagawa ng AIIB sa pagtustos sa mga proyekto at ang pagkakaroon ng organization efficiency at pagbibigay halaga sa poverty alleviation programs.
Ito ang pahayag ni G. Dominguez sa isang panayam sa sidelines ng 2nd Annual AIIB Meeting na idinaos sa Jeju Island sa Republika ng Korea.
Sa naunang panayam, sinabi ni G. Dominguez na hinihintay ng Pilipinas na maipasa ng AIIB ang pinagbalakang paggasta ng P 23.4 bilyong pisong Metro Manila Flood Control Management Project.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |