|
||||||||
|
||
P 10 milyong shabu nabawi ng mga pulis
NATAGPUAN ng mga alagad ng bansa ang illegal na drogang nagkakahalaga ng P 10 milyon mula sa tahanan ng isang dating punonglungsod na sinasabing tagatustos sa mga gawain ng Maute sa Marawi City.
Natagpuan ng mga pulis ang dalawang kilong shabu sa ikalawang palapag ng tahanan ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali.
Ang tahanan ay nasa layong dalawa o tatlong kilometro mula sa pook ng mga sagupaan. Natagpuan ang droga sa pagpapatuloy ng pagpasok ng mga kawal sa mga bahay sa lungsod.
Kabilang ang pangalan ni Ali sa arrest order na inilabas ng Department of National Defense na kinabibilangan ng may 125 mga kasapi ng Maute.
Pinangalanan ni Pangulong Duterte noong nakalipas na taon si Ali sa talaan ng mga taong sangkot sa illegal drugs.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |