|
||||||||
|
||
Pag-uusap, matitigil hanggang walang magandang mga pangyayari
NILIWANAG ng Malacanang na hindi muna matutuloy ang peace talks sa National Democratic Front hanggang hindi bumubuti ang mga pangyayari. Ito ang naging pahayag ng Palasyo Malacanang sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.
Tigil muna ang usapan hanggang hindi nagkakasundo ang magkabilang panig na maganda na at matatag ang kalagayan ng kapuluan.
Magaganap lamang ito kung gaganda at higit na magiging maayos ang kapaligiran sa pagtutulungan ng magkabilang panig.
Samantala, sinabi ni G. Abella na ang pahayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza hinggil sa kalagayan ng pag-uusap ay hindi nararapat bigyan ng iba't ibang kahulugan. Ang sinasabing kanselado ay ang back-channel talks upang matuloy ang 5th Round ng pormal na pag-uusap.
Kung magbabago ang posisyon ng pamahalaan ay magmumula na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na mismo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |