|
||||||||
|
||
Minister Wang Yi, dadalaw sa Pilipinas
DADALAW sa Pilipinas si Chinese Foreign Minister Wang Yi sa darating na Martes, ika-25 ng Hulyo at makakausap si Foreign Secretary Alan Peter Cayetano.
Ayon sa balitang mula sa Department of Foreign Affairs, lalagda sa Guest Book si Minister Wang pasado ikasampu ng umaga at magkakaroon ng pag-uusap ang dalawang opisyal sa ganap na ika-sampu at kalahati ng umaga. Lalagada sila sa isang Memorandum of Understanding sa ganap na ika-11 at kalahati ng umaga.
Haharap sila sa mga mamamahayag at sasagot ng ilang mga katanungan. Ang lahat ng ito'y magaganap sa Shangri-La Hotel sa Fort Bonifacio.
Dumalaw sa Maynila si Minister Wang Yi noong ikasampu ng Nobyembre 2015 dalawang taon matapos anyayahan ni dating Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario.
Ayon kay dating Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry President Ambassador Francis Chua, gumanda ang relasyon ng dalawang bansa mula ng maupo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, sinabi naman ni G. George Barcelon, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na positibo ang relasyon ng dalawang bansa sa panahong ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |