|
||||||||
|
||
Kuryente, naibabalik na sa Leyte, Samar at Bohol
SINABI ni Energy Undersecretary Felix William Fuentebella na aabot na sa 76% ng mga pook na nasalanta ng malakas na lindol ang magkakaroon ng kuryente pagsapit ng Linggo.
Ani G. Fuentebella, may dagdag na 40 megawatts ang inaasahang magmumula sa Tongonan Geothermal Power Plant . Ayon sa pinagsanib na ulat, ang Leyte at Samar ay nakatatanggap na ng 135.8 megawatts samantalang ang lalawigan ng Bohol may mayroon nang 56.1 megawatts. Aabot na sa 69% ng pangangailangan ng tatlong pulo ang napupunuan na.
Sa utos ni Secretary Alfonso Cusi, nagtungo si G. Fuentebella sa Bohol upang pagusapan ang mga magagawa matapos yanigin ng malakas na lindol noong Huwebes, ika-anim ng Hulyo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |