![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
20170802melo.mp3
|
Seguridad sa ASEAN 2017 sa Maynila tiniyak
UMABOT sa 13,000 mga pulis ang ikinalat sa mga pook na kalalagyan ng mga opisyal at delegado sa ASEAN Ministerial Meeting and Other Related Meetings kasabay ng Pagdiriwang ng ika-50 Anibersaryo ng pagkakatatag ng pangrehiyong samahan.
Sinabi ni Police Director Oscar D. Albayalde, pinuno ng National Capital Region Police Office na makatitiyak ng kaligtasan ang mga opisyal at kanilang mga maybahay at mga delegado sapagkat nakalatag na ang mga tauhan ng pulisya sa 21 mga hotel na tutuluyan ng mga ministro at mga delegado.
Sa isang panayam sa International Media Center sa Conrad Hotel, sinabi ni Director Albayalde na may mga tauhan pa ring ipinadala ang Armed Forces of the Philippines upang makadagadag sa kanilang mga pulis. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga SWAT at K-9 elements.
Wala umano silang natatanggap na impormasyong may maghahasik ng lagim sa pagdiriwang sa Maynila. Bagaman, tuloy ang kanilang mga operasyon sa mga pook na pinaniniwalaang pinagkukutaan ng mga kriminal.
Tuloy ang kanilang checkpoints sa iba't ibang bahagi ng Metro Manila, dagdag pa ni Director Albayalde.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo sa okasyon ng ASEAN sina American Secretary of State Rex W. Tillerson at Russian Foreign Minister Sergie Lavrov. Isa sa mga paksang pag-uusapan ng dalawa ang pagtutulungan upang masugpo ang terorismo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |