![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Customs ng China ang nagsabing may kontrabando sa kargamento
ISANG mangangalakal na Tsino na may-ari ng isang bodegang kinatagpuan ng bilyun-bilyong pisong shabu ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang inabisuhan nga mga Tsino sa People's Republic of China na mayroong kontrabando sa kargamentong dinala sa kanyang bodega.
Isang nagngangalang Richard Tan na kilala sa mga pangalang Ricahrd Chen, Chen Yu Long at Kee Joo Long, ang may-ari ng Hongfei Logistics, na kinatagpuan ng 604 kilong shabu noong nakalipas na ika-26 ng Mayo.
Ipinaliwanag ni Tan ang kanyang posisyon sa pamamagitan ng isang interpreter, na nakatanggap siya ng tawag mula sa Bureau of Customs ng Tsina na nagsabing mayroong kontrabando sa kargamento. Ayon sa kanyang interpreter, inakala ni G. Tan na kagamitang panglimbag ang kargamento.
Idinagdag pa ni G. Tan na nadakip na ng mga tauhan ng Chinese Customs ang kanilang mga nasa likod ng pag-pupuslit.
Ang dahilan umano ng pagtawag ni Tan sa kinauukulan ay upang mabatid kung ano nga ang laman ng kargamento.
Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang bodega ni Tan sa Valenzuela City na kinatagpuan ng may 604 na kilong shabu na nasa limang metal cylinders.
Ayon sa Bureau of Customs, kumilos sila dahil sa panawagan ng Tsina na makipagtulungan upang masugpo ang smuggling activities.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |