Pabuya naghihintay sa mga magsusuplong ng pulis na sangkot sa droga
INALOK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng P 2 milyon sa bawat madarakip na pulis na sangkot sa mga pagpatay na iniutos ng mga Parojinog.
Ginawa ni G. Duterte ang alok sa ika-116 na police service anniversary sa Campo Crame.
Tulad ng mga pulis na kasama sa talaan sa mga sangkot sa pagpatay sa mga sibilyang nakalibing sa isang libingan sa likod ng mga bahay nayon, nag-aalok na siya ng P 2 milyong pabuya.
Mas makabubuting patay na ang mga ito upang hindi na babayaran pa ang pagpapalibing na dagdag gastos pa, ayon sa pangulo.
1 2 3 4