|
||||||||
|
||
Melo 20170825
|
Mga pulis ng Caloocan kinasuhan ng murder at torture sa DoJ
IPINARATING na ng pamilya ni Kian Loyd delos Santos ang pormal na reklamong kriminal laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa binatilyo noong nakalipas na Miyerkoles ng gabi. Tinanggap na ng Department of Justice ang pormal na reklamong binuo sa tulong ng Public Attorney's Office.
Inireklamo ng murder at torture ng pamilya delos Santos sina Police Officer 3 Arnel Oares at Police Officers 1 Jeremias Pereda at Jerwin Cruz. Isinama sa reklamong murder si Chief Inspector Amor Cerillo at ilang 'di pa nakikilalang tao. Tinanggap ni Assistant State Prosecutor Tofel Austria ang reklamo.
Isinama si Cerillo sa kasong murder sanhi ng command responsibility. Ang mag-asawang Saldy at Lorenza delos Santos at kanilang mga saksi ang nagtungo sa Department of Justice upang dalhin ang kanilang reklamo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |