|
||||||||
|
||
Senador Risa Hontiveros, nanawagan kay Secretary Aguirre na huwag nang makialam sa usapin ni Kian
SENADOR HONTIVEROS NANAWAGAN KAY JUSTICE SECRETARY AGUIRRE. Sinabi ni Senador Risa Hontiveros (pang-apat mula sa kanan) na makabubuting huwag bang lumahok pa sa imbestigasyon ang kalihim ng katarungan sapagkat maliwanag na may pinapanigan ang kalihim. Na sa larawan din sina Senador Panfilo Lacson, (dulong kanan), Senador Grace Poe at Senador Manny Pacquiao. (SENATE PRIB Photo)
MAS makabubuting huwag nang makialam si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa imbestigasyon ng pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos. Sa isang press briefing, sinabi ni Senador Hontiveros matapos mapakinggan ang may pinapanigang pahayag ng justice secretary, nawalan na si G. Aguirre ng kredebilidad na dinggin ang usapin.
Binanggit ni Secretary Aguirre sa pagdinig sa Senado na isang "isolated incident" lamang ang pagkasawi ni Kian Loyd. Pinag-aaralan na rin ng mga abogado ng tatlong saksi na kasuhan si Secretary Aguirre upang pagbawalan na siyang sumama pa sa gagawing imbestigasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |