SINABI ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos na wala pang negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at kanyang pamilya sa nabalitang pagbabalik ng bahagi ng ill-gotten wealth na nakamtan ng kanyang ama sa panunungkulan sa loob ng 20 taon.
Tiwala umano ang pamilya Marcos kay Pangulong Duterte na matatapos na ang isyu na tumagal na ilang mga dekada sa isang ambush interview naman sa House of Representatives kanina.
Nag-uusap pa ang pamiya subalit nasa kamay na ng mga abogado. Na sa House of Representatives si Governor Marcos sa pagpapatuloy ng pagdinig sa pagbili ng Ilocos Norte ng may P 66.46 milyon na mga sasakyan o motor vehicles na gumamit sa excise tax shares.
1 2 3 4