|
||||||||
|
||
Cultural Center of the Philippines at PAGCOR, magtutulungan na
Magtutulungan ang Cultural Centre of the Philippines at PAGCOR upang mapayabong ang kultura sa bansa. Ito ang sinabi ni PAGCOR Chair Andrea Domingo sa isang press briefing sa Cultural Centre of the Philippines. Magtatanghal ang mga kawani ng PAGCOR sa Sabado sa Tanghalang Abelardo. (Melo M. Acuna)
UPANG mapayabong ang kultura ng Pilipinas, magtutulungan na ang Cultural Center of the Philippines at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Isang grand musical competition ang magtatampok ng kulturang Filipino sa pamamagitan ng sayaw, mythical characters at mga pagdiriwang. Magaganap ito sa araw ng Sabado sa Tanghalang Nicanor Abelardo ng Cultural Center of the Philippines.
Itatampok sa pagtatanghal ang mga kawani ng PAGCOR mula sa mga tanggapan sa Angeles, Bacolod, Cebu, Davao, Ilocos, Olongapo, Tagaytay, Metro Manila at kanilang corporate office.
Sinabi ni PAGCOR Chair at Chief Executive Officer Andrea D. Domingo, maitatampok ang makulay at malawak na kultura, tradisyon at mga kapistahan sa pagtatanghal. Tampok ang Biag ni Lam-Ang, Ulo ng Apo, Maria Sinukuan at mga kwentong hinggil sa aswang at komiks character na si Darna.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |