|
||||||||
|
||
Senador Gordon, ipinasisiyasat ang ari-arian nina Mark Taguba at Kenneth Dong
HINILING ni Senador Gordon sa National Bureau of Investigation at Bureau of Internal Revenue na gumawa ng lifestyle check sa ilang mga mamamayang sangkot sa pagpupuslit ng P 6.4 bilyong shabu papasok sa bansa noong Mayo.
Ito ang ginawa ni G. Gordon sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee sa pagtatanong sa yamang nakamtan ng kanyang pamilya.
Nais ni G. Gordon na mabatid ang yaman ni Mark Taguba at Kenneth Dong. Ang ama ni Mark ay isang Ruben Taguba na dating customs police. Wala sa hearing ang ama ni Mark sapagkat nasa pagamutan dala ng high blood pressure.
Ani G. Gordon, ang pamilya Taguba ay mayroong resort at hotel at sabungan samantalang nakapag-aral ang nakababatang Taguba sa Australia.
Samantalang si Kenneth Dong na sinasabing middleman para kay Chen Long alias Richard Chen at Richard Tan, ang may-ari ng Hongfei Logistics, ang bodegang pinagdalhan ng illegal drugs.
Hiniling naman ni Senador Trillanes na isama rin sa lifestyle check sina Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio.
Inakusahan ni G. Trillanes ang dalawa na umano'y sangkot sa pagpupuslit ng droga papasok sa bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |