|
||||||||
|
||
Mga labi, inilibing na sa Marawi City
MAY 28 mga labi ang inilibing na sa Marawi City. Hindi na nakilala ang mga bangkay na kinabilangan ng anim na kasapi ng mga Maute. Marami pang inaasahang maililibing sa mga susunod na araw.
Kabilang sa mga labi ang mga nabawi sa mga unang araw ng mga sagupaan noong nakalipas na Mayo. Magugunitang nagdeklara ng Martial Law si Pangulong Duterte sa buong Mindanao.
Inilibing ang mga labi sa Makbarah Public Cemetery sa Barangay Papandayan kasunod ng ginawang pagsusuri sa mga labi. Ayon kay Tong Pacasum ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lanao del Sur, hindi na makikilala ang mga labi.
Nailibing na rin ang labi ng 27 iba pa noong nakalipas na buwan. Pinaniniwalaang 22 sa mga ito ang mga sibilyan.
Umabot na sa 639 na kasapi ng Maute ang napaslang, kasama na rin ang 145 mga kawal at pulis at 45 mga sibilyan mula ng sumiklab ang sagupaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |