Chamber of Mines, bubuo ng "oversight committee"
BILANG tugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mining industry na bantayan ang kanilang hanay, sinabi ng Chamber of Mines of the Philippines na bubuo sila ng oversight committee upang bantayan ang kanilang mga kasapi na kinabibilangan ng pinakamalalaking mga kumpanya.
Kasunod ng paghalal ng bagong pamunuan, mabubuo na ang oversight committee ayon sa bagong halal na chairman, si G. Gerard H. Brimo.
Magsasagawa ng mga imbestigasyon tulad ng iaatas ng board of trustees sa oras na magkaroon ng mga insidenteng kailangang tugunan. Kung mayroong isa sa kanila ang masasangkot, kukuha sila ng third party ng mga dalubhasa upang magsagawa ng imbestigasyon.
Ang kanilang mababatid sa mga imbestigasyon ay iuulat sa Mines and Geosciences Bureau at maging sa Department of Environment and Natural Resources. Nakatakda rin nilang sundan ang ginagawa ng Mining Association of Canada Towards Sustainable Mining upang magkaroon ng classification ang mga kasapi.
Ang TSM ay mga pamamamaraan upang makita ang nagagawa ng mga kumpanya na titiyak sa kanilang kakayahang tumugon sa mga panganib at kanilang mga responsibilidad sa loob ng kanilang nasasakupan.
1 2 3 4