|
||||||||
|
||
20170911melo.mp3
|
Mga Filipinong nasa British Virgin Islands, tinutulungan na
KUMILOS na ang Pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs at Embahada ng Pilipinas sa Washington, D. C. upang tulungan ang mga Filipino sa British Virgin Islands na nahaharap sa ibayong pagsubok.
Magugunitang hinagupit ng malakas na bagyo ang British Virgin Islands at tinitiyak na ng Department of Foreign Affairs sa pamamagitan ng maghapon at magdamag na pakikipag-ugnayan upang mailikas ang mga Filipino sa nasalantang pook.
Kailangan din ng malaking salapi upang matulugnan ang pangangailangan ng mga Filipino sa pook. Inaayos na rin ang paglilikas sa kanila pabalik pauwi sa Pilipinas.
Limitado ang operasyon ng paliparan at suspendido ang commercial flights. Ang lahat nagnanais maglayag at lumipad patungo sa British Virgin Islands ay kailangang makipag-ugnayan at humingi ng pahintulot mula saDepartment of Disaster Management ng BVI sa London.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, nakikipag-ugnayan na sila sa ibang bansa upang makalapag ang mga eroplanong ipadadala at magkakaroon ng autorisadong pagpasok ng mga Filipino sa kanilang nasasakupan. Nagpasalamat na rin ang Department of Foreign Affairs sa mga kabalikat sa British Virgin Islands, Puerto Rico at mga opisyal ng United Kingdom at Estados Unidos.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |