|
||||||||
|
||
Paggunita kay dating Pangulong Marcos, sinalubong ng protesta
PAYAPA ang naging pagdiriwang ng ika-isang daang taon ng kapanganakan ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos na nailibing sa "Libingan ng mga Bayani" matapos ang kontrobersyang nakarating pa sa Korte Suprema.
Natipon ang mga naulila ng dating pangulo at natipon din ang mga nagprotesta sa labas ng libingan. Payapa naman ito sapagkat pinaghandaan ng Southern Police District ang okasyon. Na sa ilalim ni CSupt. Tomas Apolinario ang Southern Police District.
Pinaglayo ang mga kontra at maka-Marcos kaya't walang gulong naganap. May 600 na pulis ang inilabas tungo sa pook. May 250 mga panauhin ang dumalo samantalang mayroong 150 mga maka-Marcos at may 200 mga nagprotesta sa labas ng libingan.
Umalis ang mga nagprotesta katanghalian kanina matapos magdaos ng palatuntunang tumagal ng isang oras na kinatampukan ng mga batikos laban sa yumaong pangulo.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |