|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
3 tasa ng kanin
2 kutsara ng sesame oil
1 maliit na sibuyas, tinadtad
1 tasa ng frozen peas and carrots
2-3 kutsara ng toyo
2 itlog, binati nang kaunti
Sibuyas na mura (optional)
Paraan ng Pagluluto
Initin ang sesame oil sa kawali tapos igisa ang sibuyas, peas at carrots. Ilagay muna sa gilid ng kawali ang mga iginisa at idagdag ang binating itlog. Gamit ang siyansi, i-scramble ang itlog tapos isama rito ang mga iginisa at ang kanin. Ibuhos ang toyo sa ibabaw at halu-haluin hanggang maprito ang kanin. Bago ihain, budburan ng tinadtad na sibuyas na mura kung gusto.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |