|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
4 na Asian eggplant
2 kutsarita ng asin
1 kutsara ng oyster sauce
1 kutsarita ng asukal
1 kutsarita ng sesame oil
2 kutsara ng vegetable oil
2 kutsarita ng dinikdik na bawang
2 maanghang na red chili pepper, inalisan ng buto at ginayat nang manipis
Paraan ng Pagluluto
Hatiin nang pahaba sa gitna ang mga talong tapos hiwain nang pa-diagonal sa sukat na ½ inch bawat piraso. Ilagay ang mga hiniwang piraso sa isang malaking bowl na may tubig at asin at ibabad sa loob ng 5 minutes. Pagkaraan, hanguin at patuluin.
Sa isang maliit na bowl, paghalu-haluin ang oyster sauce, asukal at sesame oil tapos itabi muna.
Sa isang kawali, initin ang mantika at igisa ang bawang, chili pepper, at mga piraso ng talong sa loob ng 2 minutes. Lagyan ng 2 kutsara ng tubig at ituloy pa ang paggisa sa loob pa ng 2 minutes. Idagdag ang oyster sauce mixture at haluing mabuti. Hanguin, isalin sa serving plate at ihain.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |