|
||||||||
|
||
Mga Sangkap
1 puswelo ng munggo o mung beans
¼ na puswelo ng hibe o dried small shrimps
Dahon ng ampalaya o kangkong
3 puswelo ng tubig (pampalambot ng munggo)
1 kutsara ng mantika
2 cloves ng bawang, dinikdik
1 sibuyas, tinadtad
2 kamatis, tinadtad
2 puswelo ng tubig (panabaw)
1 kutsara ng patis
Paraan ng Pagluluto
Pakuluan muna ang munggo sa tubig hanggang lumambot.
Initin ang mantika sa kaserola tapos igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
Idagdag ang hibe, tubig, patis at munggo. Lutuin hanggang lumapot tapos idagdag ang dahon ng ampalaya o kangkong. Pagkaraan niyan, puwede nang i-serve.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |